Wednesday, September 25, 2013

FILIPINO-Grade 4 (LIMEN)

PANGNGALAN (Noun)


Pangngalan-tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.


TAO
guro-G. Jaycee Joe Reineger F. Limen 



BAGAY
cellphone-Iphone




HAYOP
aso-Bantay



LUGAR
lungsod-Zamboanga



PANGYAYARI
okasyon-Pasko



URI NG PANGNGALAN

1. Pantangi-tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari at nagsisimula rin ito sa malaking titik. (Proper Noun)

Halimbawa:
                  Dr. Simon L. Chua, Zamboanga Chong Hua High School, Manila, Sta. Barbara, Jollibee, Toyota, Penshoppe, Southway Square, Andres Bonifacio, Pasko

2. Pambalana-tawag sa pangngalang tumutukoy sa di-tiyak o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. (Common Noun)

Halimbawa:
                  barangay, damit, bansa, paaralan, pangulo, bayani, restawran, parke, buwan, lungsod, bulaklak, kotse, wika



PAG-UURI NG PANGNGALANG PAMBALANA

1. Kongkreto-mga pangngalang pambalan na maaaring mahawakan o makita. (Concrete Noun)

Halimbawa:
                  bundok, hangin, lugar, kaibigan, pagkain, halaman, mangingisda, hayop

2. Di-kongkreto-mga pangngalang pambalana na maaaring maramdaman lamang. (Abstract Noun)

Halimbawa:
                  pagtanda, pagmamahal, pasensya, kasayahan, pagkakaisa, takot, panaginip



KASARIAN NG PANGNGALAN (Gender of Nouns)

1. Panlalakiang tawag kung ang tinutukoy ay lalaki. (Masculine Gender Noun)

Halimbawa: 
                  tiyo, bayaw, hari, tatay, kuya, lolo, pari, maestro, ginoo

2. Pambabaeang tawag kung ang tinutukoy ay babae. (Feminine Gender Noun)

Halimbawa:
                 madre, ate, prinsesa, nanay, reyna, lola, kumare, ninang

3. Di-tiyakang tawag kung hindi matukoy kung lalaki o babae. (Common Gender Noun)

Halimbawa:
                 doktor, guro, artista, bata, kapatid, nars

4. Walang kasarianang tawag sa mga bagay na walang buhay. (Neuter Gender Noun)

Halimbawa:
                 lupa, bundok, hardin, libro, lapis


                     Inihanda ni: G. Jaycee Joe Reineger F. Limen

No comments:

Post a Comment