IBA'T IBANG BABALA O SENYAS
Mahalaga ang mga babala o senyas na makikita sa mga pampublikong lugar dahil ito ang gumagabay sa mga tao tungkol sa kung ano ang tama o bawal na gawin at nagbibigay din ito ng impormasyon gaya ng direksyon.
PANGNGALAN (Noun)
Pangngalan-tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.
TAO
guro-G. Jaycee Joe Reineger F. Limen
BAGAY
cellphone-Iphone
HAYOP
aso-Bantay
LUGAR
lungsod-Zamboanga
PANGYAYARI
okasyon-Pasko
URI NG PANGNGALAN
Halimbawa:
Dr. Simon L. Chua, Zamboanga Chong Hua High School, Manila, Sta. Barbara, Jollibee, Toyota, Penshoppe, Southway Square, Andres Bonifacio, Pasko
2. Pambalana-tawag sa pangngalang tumutukoy sa di-tiyak o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. (Common Noun)
Halimbawa:
barangay, damit, bansa, paaralan, pangulo, bayani, restawran, parke, buwan, lungsod, bulaklak, kotse, wika
KASARIAN NG PANGNGALAN
1. Panlalaki- ang tawag kung ang tinutukoy ay lalaki. (Masculine Gender Noun)
Halimbawa:
tiyo, bayaw, hari, tatay, kuya, lolo, pari, maestro, ginoo
2. Pambabae- ang tawag kung ang tinutukoy ay babae. (Feminine Gender Noun)
Halimbawa:
madre, ate, prinsesa, nanay, reyna, lola, kumare, ninang
3. Di-tiyak- ang tawag kung hindi matukoy kung lalaki o babae. (Common Gender Noun)
doktor, guro, artista, bata, kapatid, nars
4. Walang kasarian- ang tawag sa mga bagay na walang buhay. (Neuter Gender Noun)
Halimbawa:
lupa, bundok, hardin, libro, lapis
Inihanda ni: G. Jaycee Joe Reineger F. Limen
No comments:
Post a Comment